Thursday, September 2, 2010

The Importance of Teachers Who Care

TAYLOR SWIFT - Love Story (OFFICIAL MUSIC VIDEO)

My Adventures

My Adventures ang napili kong blog title dahil at the age of 19 marami na rin akong napagdaanan sa buhay na nagturo sa akin upang ipakita ang totoong mundo at ang pinakamasakit dito ay ng mahinto ako sa pag-aaral bunga ng kahirapan. Dahil dito ito ang nagtulak sa akin upang umalis sa amin upang makipagsapalaran sa buhay sa ibat ibang lugar. Kapag naroon ako sa amin lalo kong nararamdaman ang kabiguan ko sa aking mga pangarap na maging guro balang araw. Mas lalo akong nawawalan ng pag-sa na umunlad. Sa panahon kasi ngayon ang nakapag-aaral lang ang umuunlad.
Sa loob ng isang taon na yon napadpad ako sa Manila ngunit hindi ako nagtagal doon dahil nahirapan ako sa trabaho.Sumunod, napadpad naman ako sa Baguio. Nagtrabaho ako sa isang canteen doon sa edad na 17. Pagdating ko doon, nasabi ko sa sarili ko na totoo palang napakaganda ng Baguio dahil dito nafresh ako at muling nagkaroon ng pag-asa. Napakadaming magagandang tanawin dito, nariyan ang Mines View, Burnham Park at iba pa na talaga namang masasabi kong isang napakasayang adventure. Mahirap magtrabaho sa canteen,gayunpaman nagsikap ako sa kagustuhan makabalik sa pag-aaral. Limang buwan din akong tumira dito at dahil sa adventure na iyon napakadami kong natutunan tulad ng pagpapahalaga sa pera, dahil totoong napakahirap hanapin ng pera. Isa sa napakahalagang natutunan ko dito ay  kinakailangan talaga na may natapos ka para may marating sa buhay. Sabi nga nila eh "Education is the key to SUCESS".
Masasabi ko na dahil sa adventures ko noon ito ang muling nagtulak sa akin upang tumuklas muli ng karunungan at nagbigay sa akin ng lakas upang harapin ang panibagong ADVENTURE sa aking buhay.